joa-mai-raki

aBout RaQueL

Home
about maiLyN
aBout RaQueL
aBout jOanA

click picture for
raki...photo gallery

me...raki.jpg
piCtuRe gAlleRy

Frankly speaking, di talaga ako marunong gumawa ng autobiography.  Yun ba yung gaya nung sa slam book, na usong uso nung elementary tayo, o gaya nung form na fini-fill-up-an natin tuwing gagawa tayo ng bagong e-mail account? Basta ang alam ko lang eh yun yung sulatin tungkol sa sarili mo.  Well, ano man ang meaning n’yan, sa ngayon, I’m going to discuss to you all about myself.  Medyo boring ang buhay ko kaya sana wag kayong maiinis.  Siguro para sa iba walang kwenta ang buhay ko, pero ditto n’yo lang malalaman kung sino ba ang tunay na RAQUEL PASTORITES SERVANO…….(drama!!!)

 

RAQUEL PASTORITES SERVANO.

 

NICKNAME:        Sa bahay, BENG-BENG ang tawag sa akin.  Kung itatanong niyo kung bakit, well, hindi ko rin alam. Mabuti pa, tatay ko na lang ang tanungin niyo (ito cel# niya…0906       …hehehe…wag niyo sabihin ako nagbigay ha!!!).  Tapos nung mag-high school ako, tinawag na akong D’RAC…astig noh!!! Ngayong college, RAKI na ang pangalan na madalas itawag sa akin ng mga classmates ko. Grabe!!! Batong bato na nga ako sa tawag nila eh!!!(batong bato as in rock ha hindi ung bored…).  Pero yung Bestfriend ko KELLY ang tawag niya sa akin. Oh!!!girl na girl di ba??!!

 

Araw ng Kapanganakan: NOVEMBER 22, 1987.  KA-BIRTHDAY KO SI BEN ADAMS..Siya yung lead singer ng boy band na A1..Siya rin ung first crush ko..hahaha… ang date na ito ay nasa pagitan ng zodiac signs na SCORPIO AT SAGITTARIUS. Kaya ang zodiac sign ko ay SCORTTARIUS… hahaha…

 

FAMILY BACKGROUND:        Hmmmm… I was from a big family. Nine kaming magkakapatid. Walong nagagandahang babae at nag-iisang guwapong lalake.  Sabi nga ng iba ang sipag daw ng parents ko.  Well, ang sabi ko naman mahal lang talaga nila ang isa’t isa.  Speaking of my parents, sila nga pala yung pinaka mababait na magulang sa mundo.  Napakaswerte ko kasi sila ang parents ko.  God-fearing, mapagmahal, maalalahanin, maalaga, masipag, and they are the jacks-of-all-traits even though they are masters of none. Ang suwerte ko talaga noh!!!! Ako nga pala ang KILABOT NG PASAY…. Kinikilabutan kasi sila tuwing nakikita akong lumabas ng bahay….. sa takot hah!!!  Ha….ha… ha….

 

HOBBIES: Matulog… hobby ba yun? Kung sinisipag nagbabasa bago matulog. Salamat nga pala kay NANCY ZACARIAS dahil siya ang naudyok sa akin na magbasa ng HARRY POTTER BOOKs!!! Kumain, matulog uli, magisip sandali tapos matutulog uli…. Sipag ko noh!!!

 

FAVORITES:

Color: RED

Food: LAHAT pwera lason hah!!

Movie: Action movies na babae ang bida such as ‘TOMB RAIDER, SO CLOSE and NAKED WEAPON

Song: ‘NOBELA’  by Join the Club,

Actress and Actor: ANGELINA JOLIE and NICHOLAS CAGE

Tv Station: Siyempre KAPUSO!!!

Tv Show:  KIM SAM SOON…. Ha…  ha…  nakakatawa talaga yun!!! ART ATTACK by Neil Buchanan

Cartoon Character: Spongebob Squarepants …lahat ng characters sa SLAMDUNK…..aStIG tlga…

Pet: Puppy “JHUMPPHER” Ang pinakacute na tuta kaya lang patay na siya….. huhuhuh….

                  

CHARACTERISTICS:

Some people say I’m a HAPPY-GO-LUCKY PERSON.  Pero ung iba, ang tingin sa akin ay MATARAY.  But the most common thing that other people would say about me is that “MUKHA AKONG TOMBOY”!!!

Well, hindi ko naman sila masisisi.  May basehen neman yung mga palagay nila tingkol sa akin.

 

I am a SERIOUS type of person.  And siguro namimis-interpret ito ng iba into pagiging mataray.  Hindi kasi ako masyadong friendly.  Mas gusto kong ako yung inaapproach para makipagkaibian kesa ako yung makikipagkilala sa iba.  Pili lang rin ang mga taong kinakausap ko.  Kung hindi kita kilala, sensya na pero hindi kita kakausapin.  Minsan nga kahit naipakilala n asa akin, hindi ko pa rin kinakausap…pwera na lang kung ikaw ang unang kakausap sa akin.  Sabi nga ng kapatid ko, ang boring daw ng buhay ko.  Hindi kasi ako mahilig makipagtextmate, hindi ako mahilag mag-stroll sa mall, wala rin akong hilig magfriendster, at kung anu-ano pang kaekekan na tungkol sa pakikipag sosyalan.  Wala nga akong social life.  Hindi rin kasi ako mahilig sumama sa lakad ng mga magpipinsan o ng kahit na sino pa.  piling pili lang talaga ang sinasamahan ko.  Mas gusto ko pa ang maiwang mag-isa s bahay kesa maggala.  Sa palagay niyo, pagiging mataray ba un? Hindi naman diba?

 

Pero once naging close na tayo, naku! Sinasabi ko sa’yo, isusumpa mong nakilala mo ako!!! Sobra akong MAGULO at PASAWAY!!mahilig din akong mang-asar.  Noong high school nga, hindi ko tinitigilan ng pang-aasar yung classmate ko hanggat’ hindi siya umiiyak.  Ganoon ako kagrabe!! Ako nga rin yung JOKER or CLOWN sa grupo namin noon. 

 

Para daw akong lalake kumilos sabi ng ibang tao kaya nga napapagkamalan nila akong tomboy.  Medyo chubby and medyo malaki ang katawan.  Tapos ang gaslaw ko pa kumilos.  Ang tapang ko pa raw tingnan.  Sa totoo lang, kaya ako parang lalake kung kumilos ay dahil gusto kong ipakita sa iba, lalo na sa mga lalake, na kaya kong gawin kahit na anong bagay.  Kaya dapat hindi nila ako mamaliitin.  Yung pagiging matapang ko, pakitang tao ko lang iyon.  Ang totoo nga n’yan DUWAG ako.  Matatakutin ako sa maraming bagay, sa heights, ipis, dilim, at marami pang iba.  Hindi ko lang ito ipinapakita sa iba kasi ayaw kong malaman nila ang mga kahinaan ko.  Natatakot kasi ako na baka pagtawanan lang nila ako.  Mahina rin talaga ang loob ko sa tuwing nasa harap ako ng maraming tao dahil pakiramdam ko 70% ng mga bagay na gagawin ay mga pagkakamali.  Alam ko, natural lang naman ang magkamali pero ayoko lang talagang Makita at malaman ng iba ang mga kahinaan ko.

 

 

Boring talaga ang buhay ko noh??!!! Pero sana intindihin niyo na lang ako kung sakaling pabagobago ako ng ugali!!  Sana naman kahit papano eh nakilala niyo ang tunay na ako!!!  Salamat sa pagbabasa!!!

 

 

 

 

 

thank you for visiting our website!
God Bless (",)